Isa nanamang kabanata ang malapit nang matapos daanan
at darating naman ang isang panibagong hagdan
hagdan na kinakailangang tahakin ng buong lakas at talino
na magpapatibay at magpapatatag sa akin sa pagharap sa isang panibagong yugto...
at darating naman ang isang panibagong hagdan
hagdan na kinakailangang tahakin ng buong lakas at talino
na magpapatibay at magpapatatag sa akin sa pagharap sa isang panibagong yugto...
Ating balikan ang mga nagdaang nakaraan,
doon sa aking kinalagakang unibersidad na tunay ngang tumatak sa aking puso't isipan
kung saan inilaan ang aking buhay estudyante na pinuno ng pagtitiyaga at pagsasakripisyo
at unti-unting hinubog ang aking buong pagkatao.
Napakasarap muling alalahanin ang mga taong noo'y nagsipadating
na nagpalamas ng kanilang talino at galing at nagsilbing malaking impluwesiya sa amin
sila ang aming mga propesor na ginawang instrumento ng Maykapal upang kami ay turuan
at ihandog ng walang pasubali't alinlangan ang kanilang gintong karunungan.
Naroon din ang mga taong nagsilbing krayola at nagbigay kulay at saya
mga taong hindi ko rin malilimutan dahil sa haba ng aming mga pinagsamahan
sila ang aking mga kamag-aral na akin ding naging katuwang sa pagngiti at pagtawa
at sa palaging pagpapaalala na sa kabila ng lahat ng hirap at sakit ay mayroong oras upang ngumiti at magpasalamat.
Sa kabilang dako, hindi mawawala ang isang aspeto na naging parte ng aking buhay estudyante
ito ay ang mga karanasan na hinding hindi ko malilimutan...
mga karanasang nakapagpabago ng aking payak na kaisipan...
samo't saring karanasan na aking dadalhin sa susunod na tatahaking baitang.
Ang lahat ng ito ay lubos na aking ipinagpapasalamat sa Kanya...
Siya na nagplano, bumuo, at ginawang posible ang lahat para sa isang tulad kong minsa'y naghangad at nangarap.
Na sa kabila ng ambon, ulan, at bagyo ay palaging may nakalaang isang bagong umaga kung saan ang haring araw ay nakangiting nag-aabang at nagsasabing "dumilat ka at magmasid sa buhay na puno ng ganda at pag-asa".